Saturday, July 26, 2014

Sa kalagitnaan ng pagchecheck ko ngayon, hindi ko mapigilan pero itinigil ko talaga, tutal maaga naman akong aalis sa bahay mamaya para magtrabaho. Mas lalong dumagdag ang nostalgia ko ngayon. Gusto kong magbasag ng plato. Marahil napagod lang ako ngayong araw. Pero mas masakit sa loob ko ang mainform ako ukol sa isang bagay pero alam ko sa sarili kong hindi ko ginawa. Feeling ko talaga napahiya ako. Sobra. Nagtutupi ako ng mga awtput at alam kong yun ang paraan ko para magalit. Gusto kong sumigaw; gusto kong magwala. Talagang nagtanong ako kung an ba ang sinabi ko noong nakaraang buwan. Hindi ako makatulog. Isipin mo, medyo eksayted pa naman ako sa linggong darating, pero parang ayaw ko nang ipagdiwang ang dapat ipagdiwang. Nalulungkot lang ako. Ayaw kong makipagkita kanit kanino, o batiin man ako. Naiinis kasi ako. Kung sino man kayo na nagpahiya sa akin sa pamamagitan ng inyong sulat, sana ay may mabuting naidulot yang ginawa ninyo kasi ang saya saya ninyo po. Masaya naman po ako at nagtagumpay po kayo sa plano niyo-- pero hindi ninyo ako matitibag-- iyon ang tiyak ako.

Monday, June 30, 2014

AT Ako ay Naantig

Muli ko na namang napanood ang "Taare Zameen Par" o "Like Stars on Earth". Di ko sukat akalain na ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ko kinukuha ang kurso ko ngayon. Bagama't nagkaroon na ako ng bagong kapupuyatan at pagkakaabalahan, salamat sa trabahong mayroon ako, hindi pa rin maalis sa akin ang tunay kong nararamdaman. Hayaang ang pag-uusap ng dalawang tauhan sa pelikula ang makapagsabi niyon para sa akin:








Wednesday, June 4, 2014

A Small Discovery
 (James Emanuel)
Father,
Where do giants go to cry?
 
To the hills
Behind the thunder?
Or to the waterfall?
I wonder.
 
(Giants cry.
I know they do.
Do they wait
Till nighttime too?)

Kapag gabi ako umiiyak. Hindi naman ako katangkaran para masabi kong giant ako, pero ang tingin ko sa sarili ko ay giant. Kung sasagutin ko ang tanong niya (pero hindi naman ako isang tatay), sasabihin kong kapag tulog na ang lahat, saka ako umiiyak. Umiiyak ako sa wakas ay natapos ang pagkahapon at sa lungkot... 

Kung ang gusto kong laptop ay makukuha na sa Lunes, gusto ko pa rin ng isang bagay na hindi materyal. Wala pa rin. Gabi-gabi, tulad ng sa ngayon, umiiyak ako. Gusto ko lang mailabas ang mga naipon na naramdaman ko at sa labis na panghihinayang.
Niyakap ko muli ang aking ina, pero galit siya uli. Bakit raw ang kulit ko kapag nakahiga na siya? Wala naman akong sinasabi. Kahit wala akong sabihin, gusto ko lang na maipadama sa kanya kung gaano ko siya kailangan sa puntong ito. Hindi ko mahagilap na baka isang araw tanungin niya lang kung okay ba ako. Wala pa talagang harapang nakausap ko at masabi kong gusto kong tumigil, maliban sa isang kaibigan ko via text at chat. Nakakamiss yung may kasama ka, aakapin ka, sasabihin na okay ka lang, at magsasabi ng korni joke tas tatawa ka. Masarap sa pakiramdam na ganun uli, masaya ang buhay mo kahit hindi maayos minsan ang trabaho o pag-aaral, alam mo sa sarili mo na may karamay ka-- isang text o tawag lang tas pupuntahan ka niya at patatahanin kapag umiiyak.

Yun lang ang dahilan kung bakit ako napadaan. Ang tahimik kasi, at ang saraop paagusin ng luha habang walang nakakakita. 

Pero malay ko, balang araw, mayroong magsasabi na okay lang yan tsaka ako yayakapin para pumanatag na loob ko.

Wednesday, May 21, 2014

Kagabi/ kahapon/ o kung ano pa man...

As usual, madaling araw na naman akong nakatulog... well, nakauwi rin.
Pagkatapos kong makipag-usap (at siyempre may kainan) ng aking kaibigan ay may I take a bus ride na ako paPhilcoa. Siyempre alas onse na nun so hindi na ako magugulat kung wala ng dyip papasok ng campus.

May nagtanong sa akin, "Ate, ano'ng oras na?" Nung una, nag-aalangan akong lumabas ng cellphone dahil yun lang naman ang pinagtitingnan ko ng oras. Nilabas ko rin naman, mag-aalas onse na po, four minutes na lang. Nagkaroon na siya ng lakas ng loob na magsabi ng nangyari sa kanya matapos niya akong tanungin kung doon nga ba ang papunta ng Bulacan. Sabi ko, pwede naman kung sasakay siya ng Tungko kaso hindi naman siya taga roon (nagsabi lang ako from what I know sa kaibigan ko na taga-Bulacan).

Nasabi niyang hindi siya taga-Tungko at siya ay taga Pandi, Bulacan. In a way, hindi ko siya natulungan sa ganoon aspekto. Pero, gaya nang nabanggit ko kanina, naglakas na siya ng loob na magsabi sa akin ng totoong nangyari sa kanya. Hinding hindi na raw siya babalik ng Maynila dahil sa nangyari. Lumuwas siya ng Maynila dahil may nagrecruit sa kanya para siya ay maging P.A, pero hindi ng artista, pero ng isang maykayang nilalang. Nagpunta sila ng Quezon Memorial Circle tapos doon na nakuha ang kanyang pera at cellphone. nagstay siya sa QC mula May 19-20  at nakita ko siya sa Philcoa. Hindi pa siya kumakain ng mga oras na iyon kaya niyakag ko siya na kumain. Oo, alam ko na mababawasan na naman ang pera ko, pero mas makabubuti na siya ay makakain at makauwi na. Binalak na rin niya tumalon doon sa Philcoa overpass, ayon sa kanya dahil desperado na siya, kaso mas pinili na lang niyang matulog doon sa may Jollibee sa gilid (yung may maiksing hagdan).

Kahit na naglakad na lang ako pabalik ng campus eh okay lang sa akin basta alam kong panatag na siyang makakauwi sa Bulacan at nakakain na siya. Nang pabalik na ako sa dorm, naiiyak ako. Sa isip isip ko, mabuti talaga ang Diyos kasi hindi siya pinabayaan na hindi makauwi sa bahay nila at sa panahong kinailangan niya ng tulog ay may dumating.

Naiiyak ako kasi isa lang naman rin ang gusto ko-- isang yakap lang at masabing okay lang ako at kaya ko 'yan. Siguro, 'wag na lang maghintay. Sapat na nakapagbigay ako ng ngiti sa ibang tao.

Sunday, May 18, 2014

Open letter sa babasa nito, or kung sakali sa isang taong makaiintindi nito:

Imposibleng sumaglit ka sa website na ito, bihira ko namang ginagamit ang aking Gmail account, palaging Yahoo! naman ang pangsend ko ng mga pagsangguni sa iyong mga katanungan o kung may kailangan mang isumite.

Dumating sa punto na tinanong ako ng isang kaibigan, "Bakit ka ba nag-aral sa __?"
Tumigil ako. Tumawa lang. Nagkamot ng kanang balat. Hindi nakapagsalita kaagad.

Sabi ko, "Kasi gusto kong mag-aral sa ___... Pangarap kong mag-aral dito" sabay subo ng kanin na humehepa sa turmeric, tinadtad na tokwa, gulay at lechon macau na tig sisingkwenta y nuebe pesos sa Area 2 (kasi sabi ko masarap doon, o baka kasi mura kaya tayo napadpad roon).

Nagugulumihanan pa rin ako sa naging takbo ng semestreng ito para sa akin. Ng taong ito. Ng hindi ko mawari ano ang mayroon sa semestreng ito at mga nangagdaan na.

Tinanong mo sa akin kung ano ang problema ko at bakit ako nagkakaganito? Iniyakan lang kita. Hanggang sa kahuli-hulihang hilatsa ng isinusimite ko, pare-parehas pa rin ang mali. Hindi ako ganito noong una tayong nagkakilala at nag-enrol ako sa sabjek mo. Hindi eh. Ang layo sa ngayon.

Kung tumitipa man ang mga luha ko ngayon, marahil sila na ang makapagsasabi ng tunay kong nararamdaman. Iba ang tungkuling ginagampanan ng mga luhang ito-- nilalangib nila ang keyboard ngayon, at/o ang pagbaba nila ang hudyat ng pagtatanggal ng bigat na aking naramdaman.

Pasintabi kung hindi ko sa iyo masasabi nang harapan ang mga bagay-bagay na narito ngayon.
Gaya nang nabanggit ko dati, wala nangyari sa aking may kinalaman sa pagkabuntis. Kung broken-hearted man, matagal tagal na ring nairesolba iyon.

Pasintabi kung hindi naging maganda ang mga nagawa ko ngayong semestre. Hindi ito dapat naging ganito. Ang pakiramdam ko ngayon, gusto ko siyang maging papel at lukutin at maghanap uli ng panibagong papel. Parang nagsusulat lang ng komposisyon na hindi mabuo-buo ang dapat na maging kabuuan.

Pasintabi kung hindi ko masabi sa iyo kung gaanong gusto ko nang tumigil pansamantala kahit matigil man ang oras/panahon na mayroon at hawak ko. Gusto kong tumigil sandali sa mga ingay na naririnig ko, sa mga gulong nangyayari sa mga tao na palagi ko na lang tinatakasan at sa mga panahong gusto kong tumabi at huwag magpakita sa nakararami at tsaka iiyak at magsasabing "Ayoko na!" o "Teka lang!"

Ang bigat sa pakiramdam na sabihan ka ng boss mo na disappointed siya sa iyo. May malaki siyang pangarap para sa iyo, pero dahil palpak nga ako, hindi naisakatuparan ang gusto niyang mangyari. Hindi madaling ipagkibit-balikat ang mga salitang, "I am very disappointed". Wala akong nagawa nung mga panahon na iyon (tatlong buwan ang nakalilipas).

Minsan, sa dami ng ginagawa mo, kabilaang pagsasalo ng mga bagay-bagay at pag-aaral, hindi na ako nakakaiyak at nakakatigil sandali. Minsan, anino ko na lang na lumalabas ng bahay at pumapasok ng bahay ang nakikita ng mga tao sa bahay. Minsan, sa gitna ng pansamantalang mahimbing na tulog, may mga taong mag-aaway na parang akala mo hindi sila magkakamag-anak at magkakapatiran.

Minsan, kahit gusto mong tumigil muna at huwag magtrabaho, hindi pwede. Ilang bibig ang maaapektuhan, kasama na ako at ang pag-aaral ko. Na kahit minsan sa trabaho mo ay windang ka rin, wala kang magagawa, o gusto mong lahat kayo ay magutom.

Ngayon ko lang ito nailabas matapos maproseso kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. Sa hinaba-haba ng panahong nasasabi ko na ayos lang ako ay mga kalakip na 'hindi talaga' na sagot. Kung masasabi ko lang sa iyo na gusto kong sabihin sa mga taong nakapaligid sa akin na gusto kong tumigil, matagal ko na sanang nagawa.

Nalulungkot ako. Dati-rati, nakasanayan ko ang magsulat nang magsulat, magdrowing nang magdrowing. Mistulang napurol at hindi ko alam kung paano ko pagaganahin o pababalikin muli. Sana masabi ko sa iyo na ganito ang mga nangyayari sa akin. Nagugulumihanan ako. Nalilito ako. O baka napapagod ako.
Napupuruhan rin.

Isa pa/ isa na lang.

Alam kong hindi ako yung tipo ng tao na nagpapakita ng gestures sa ibang tao. Hindi kasi ako sanay. Hindi ganoon ang nakalakhan ko. 'Pag malungkot ako, minsan, tinatapik ko na lang ang aking sarili o nagsasabi ako sa ibang tao na ganoon ang nararamdaman ko. Masaya naman ako kung may nakikinig.

Pero alam mo, sa tuwing yayakapin ko ang nanay ko, ako at ako lang ang aakap sa kanya. Hindi niya ako inaakap/ yinayakap. Kapag malungkot ako at nararamdaman niya, gusto ko sanang maakap niya ako para lang masabi na okay lang 'yan/ kaya ko 'yan/ huwag ka nang malungkot. Kaya nakakatawa o natatawa lang ako sa sarili ko 'pag sinasabi o tineteks ko lang sa ibang tao ang Kaya mo yan na may emoticon :) pero hindi ako marunong umakap ng ibang tao para ipakita sa kanila na dinadamayan ko sila kaya kung ako man, hindi ako nakatatanggap ng yakap.

(Siguro kung mayroon mang pag-akap, bakas iyon ng nakaraan, mga kalahati ng edad ko ngayong taon, na ayaw ko nang mabanggit pa rito.)

Sana, kung mabasa mo ito, sana maramdaman ko na magiging okay lang ang lahat. Damayan mo ako at sabihin mo sa aking, "Magiging okay ka rin!" Gusto ko lang na maakap ako, at hindi ako mangingiming umiyak, umiyak lang, kahit hindi ako magsalita sa kahit na pinakamaiksing oras ng buhay natin na tumigil ang oras/panahon ko kakaisip. Gusto ko lang maramdaman sa kagyat na sandali ng buhay ko na may ganoon ang maramdaman ko na kahit paano ay nagkaroon ng pagtigil sa pagkabagabag at pag-aalala.

Gumagalang,
Kidlat-utak

Tuesday, April 22, 2014

Bukas para sa lahat

Kung may nakakakilala man sa akin sa blogspot na ito, nawa'y magkaroon sana kayo ng oras para mabasa (mapakinggan) ako sa post na ito.

Kung hindi man, hindi ko naman kailangan ng simpatiya. Maaari siguro eh tulong.
Maraming salamat sa oras na inilaan ninyo para basahin ito. Pasintabi kung dito na lang muna ako maghahayag ng saloobin.

Ilang beses na ako pumapalya. Ang bagal kong mag-isip, ang haba kong matulog, at pakiramdam ko hindi gumagana ang hormones ko.

Kahapon, ang ilang beses bago ang kahapon, nakakaramdam na ako ng pagkahiya-- hindi siguro pagkahiya-- kung hindi labis na pagkahiya. Nahihiya akong unti-unti kong nalalaman na hindi pala ako magaling. Nakakahiya dahil pakiwari ko, mali ako ng pinasukan. Nakakahiya dahil noong undergrad, hayskul, at elementary, ayos naman ako. Ngayong dapat mas mataas ang antas ng aking pagkatuto, parang mistulang nawawala ang ningning.

Kahapon pagkalabas ko sa isang silid, sa tatlong oras na iyon, iyon na yata ang sudulang alam ko at nararamdaman kong nawawalan ako ng pag-asa. Marahil ito rin yung isa mga pagkakataon na wala ring namang makakaintindi at makakarinig sa akin kapag sinabi kong ganoon ang nangyayari sa akin.

Umiyak na lang ako pagkalabas ko kahapon. Diring diri ako sa sarili ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko at pakiramdam ko, ayaw ko nang bumalik mula roon sa ginagawa ko. Pero alam ko sa sarili ko kapag may hindi ako kayang gawin o sudulang hindi ko kaya, hindi ko pa rin sinasabi. Itinatago ko pa rin iyon sa aking sarili. Kunwari, hindi ako nahihirapan. Kunwari, iisipin ko na lang kaya ko hanggang umabot sa puntong iiyakan ko na lang iyon at mukha akong ewan.

Kung hindi ko pa rin magiya ang sarili ko sa dapat kong kalagyan, tulungan mo/ninyo ako. Hindi ko rin mawari sa sarili ko bakit ako nagkakaganito. Hindi ako in love at hindi rin ako broken-hearted. At hindi naman din ako buntis na nagpalaglag sa probinsya kaya ako nagbakasyon roon. Hindi kaya siguro naguguluhan rin ako sa aking sarili sa puntong ito? O hindi kaya ilang beses na akong pumapalpak kaya hinahayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak?

Tulungan mo/ninyo ako.
Hindi ko na rin alam gagawin ko sa sarili ko.

Friday, April 4, 2014

Kinakausap ko na naman ang sarili ko ngayon...

Tapos na ang una at ikalawang semestre. Pers taym, may summer term ako. Hindi na bago sa akin ang magkaroon ng summer term noon sa undergrad-- ngayon, feeling ko, parang hinihila ko ang sarili ko na pumasok at mairaos na ang dapat mairaos.

Hindi na naman bago sa akin ang pagpupuyat. Siguro, simula nang mapagod ako mula sa unang taon ko, bumawi ako ng tulog-- maraming tulog. Minsan, nagpupuyat rin, pero mas marami ang tulog. Ngayon na siguro ang panahon ng pag-aani-- aanihin ko na ang dami ng tulog na nakuha ko sa loob ng halos isang taon.

Nakakalungkot ang walang raket. Kapag ganitong panahon, masaya na naman ang bulsa. Ngayon, mukhang kailangang mairaos muna ang summer term para naman kahit papaano makausad-usad nang kaunti.

Natutuwa ako at nakakaraos naman ako sa pag-aaral. Pero minsan, napapahinto na lang ako at hinahanap ko ang kariktan ng buhay. Kung mababasa mo ang mga ideyang nakalahad bago ito, marahil, iniisip mo, ang nega naman ng blogger na ito. Wala nang ibang ginawa kung hindi ang magsabi ng nega rito. Negastar siguro siya.

Kung mayroon man akong ipinagpapasalamat sa puntong ito ay ang matunghayan ko ang aking sarili na nagluluwal ng mga kalipunan ng mga salita upang maihayag ang mga tunay kong nararamdaman. Masyado nang bukas ang mundo sa kinagagalawan ko at ang bawat kilos ay mistulang isang galaw mo lamang ay may nagmamatiyag na sa iyo. Nakakatakot.

Nang maramdaman ko ang aking sarili sa pagitan ng tulog at gising, mas alam kong gising ang diwa ko ng mga panahon na iyon (kanina). Bagama't pagod ang nananaig kanina matapos ang mahabang kwentuhan mula sa mga kasamahan sa trabaho at mga dati nilang kasamahan ngunit kaibigan nila, napagtanto ko na mas payak ang mundong ginagalawan ng mga nasa labas na. Narinig ko rin sa isang kasamahan kanina kung gaano na lang niya nilulunok ang kanyang dignidad para lamang sa trabahong aming pinagkukunan ng kabuhayan. Nakakapanlumo na may mga magulang na mukhang hindi maganda ang trato at pagtingin sa mga guro. Hindi mo iisipin na sa isang institusyon na dapat laganap at ganap ang mga birtud at tamang asal eh mistulang hindi isang komunidad na may nirerespeto.

Nakalulungkot lamang na oo nga, nasa tamang petsa ibinibigay ang sahod mo, pero hindi mapapantayan ang dignidad ng isang guro. Hindi mo tuloy alam minsan kung may mukha ka pang ihaharap o wala na. Masakit isipin na ikaw, bilang isang ehemplo ng pagbabago sa mga kabataan ay katumbas lamang ng mga maralita sa ating lipunan. Ano ba talaga ang nangyayari sa pagtingin ng ilan sa atin sa mga kaguruan? Hindi naman siguro dapat ipagkibit-balikat ng mga institusyon kung ano man ang nangyayari sa kanilang mga guro. Masaklap lang kung hindi kayang protektahan at ipagtanggol ang nasabing guro.

Hindi ko alam. Minsan, may mga bagay na dapat para sa atin nang mabalik naman ang tamang pagtingin sa mga guro.

Kahit hindi ko naranasan at sana'y hindi, sana hindi mangyari ang ganun sa ibang mga guro. Bakit ba kasi may mga tao na kung makapang-asta sa harap ng guro eh mas angat sila kaysa sa mga nagtuturo?

Marami akong mga teorya, pero siguro, iyong pananaw ko na lamang muna kanina dahil sumagi lang naman ito sa aking isipan ngayon at marami pa akong iisipin sa araw na ito.

Hanggang sa uulitin!

Sunday, March 30, 2014

Sandali lang. Bigla ko lang naisip.

Tuwing 11:11 ng umaga, palagi kong sinasambit na makakagraduate ako sa Master's. Inaabangan ko talaga ang oras na iyan na hindi ko naman mawari kung bakit kailangang sa ganoong oras ako humiling.

Kahapon, kinatagpo ko ang mentor ko noon sa Alma Mater. Marami pa rin akong balita at sapantahang nakuha mula sa kanya. Natututo pa rin ako kahit na simpleng kwentuhan kasama ang kape ang naging usapan namin. Hindi ko inantala ang pagkabahala ng napipinding pagpasa ng papel sa Martes, dahil sabi ko naman, mas mahalaga na may oras ako para sa mga tao. Nag-usap kami tungkol sa mga balakin ng susunod na panuruang-taon 2014-2015. Tinamad na rin ako dahil alam kong ang gusto ko na lang mangyari eh makapagtapos kahit wala akong Latin Honors.

Nang gabing iyon sa munting surpresa namin para sa isang kaibigan, napag-usapan na naman kung sino ang pwede naming maging gabay, ngunit naninimdim na ang pag-asa kong makapagtapos. Mukhang walang pag-asa na magtatapos pa kasi walang katiyakan kung sino ang gagabay sa kaniya/kanila para sa kaniya/nilang tesis.

Ilang buwan ko nang iniisip kung ano na ang mangyayari sa Masteral ko. Ayaw ko siyang hindi matapos. Siguro nga tama ang sabi ng isa kong kasamahan na hindi ko matatapos ang Masteral dahil sa kawalang-bahala ng ilan sa pakultad ng Unibersidad na pinapasukan ko ngayon. Sa hindi mawaring dahilan, hindi maalis sa isip ko kung makakatapos pa ba ako o hindi na.

Natatakot ako. Nawawalan na rin ako ng pag-asa. Hindi ko masabi sa kahit kanino kung gaano kabigat itong nararamdaman ko. Pinipilit ko na lang kinakalimutan at tinatakbuhan ang ganitong pakiramdam, pero kapag ipinapakita na sa akin ang katotohanan na ito, hindi ko maiwasang lumuha na lang.

Kagabi, pauwi ako lulan ng taxi, tumutulo na lang ang aking mga luha sa pagkakabagabag. Malapit na ang bakasyon. Sa isip ko, bakit hindi ko na lang uli kalimutan ang pananaghoy na ito? Kung sakali, maibsan ang pag-iisip na ito.

Monday, February 10, 2014

Olats

Patuloy kong ginigiba ang isang matibay na pundasyon ng buhay ko.
Ginugula-gulanit ko siya paunti-unti.
Sinasayang ko nga ba ang mga pagkakataon o sadyang matigas ang ulo ko?

Simula nang hindi na ako nakakuha nang mataas na marka at alam kong wala na akong tsansa na makakuha ng Latin Honors sa Unibersidad, maging ang pag-alis ni idol, nawalan na ako ng gana.

Hindi ko masabi-sabi sa mga taong nakapaligid sa akin.

Nakalulungkot isipin, pero totoo. Ang feeling ko sa sarili ko, olats ako.
Mas lalo ko pang nararamdaman nang lumiliban na ako sa grad school at hindi na ako nakikinig nang maayos.
Feeling ko, ang mahalaga naman ay makagradweyt.
Mas lalo pang nadagdagan nung nasabi ni Bossing na disappointed siya sa akin dahil sa pinaggagagawa ko.

Olats.

Olats ng feeling.

Alam ko, ang lahat ay pagkakamali ko. Hindi pwedeng iba ang nagkamali para sa akin.

Ngayon ko na naiintindihan yung pakiramdam nung kaibigan ko nung unti-unti nang hindi puma-para sa kanya ang mga kaganapan.
Nawalan siya ng gana.
Tinamad.

Kung anu-ano ang ginagawa.

Siguro, dos na naman ang makukuha ko. Siguro mas mababa pa roon, lalo na sa Stat.

Nalulungkot ako para sa sarili ko at sa kinahihinatnan ng mga ikinikilos ko.

Nalulungkot ako kasi ang rupok kong tao.

Nalulungkot ako kasi nakakahiya naman sa mga taong sumusuporta sa akin at ang laking mga kapalpakan ang ginagawa ko sa buhay.

Umiiyak na lang ako parati kay Mudra. Umiiyak rin siya para sa akin.
Napaka-panatag niya at lumanay kapag binibigyan niya ako ng mga payo nitong mga nakaraang araw.

Ngayon, 'di ko na naman magawa nang maayos ang trabaho ko, pati pag-aaral.
I'm crumbling into pieces.
I'm crumbling into pieces.

Bahala na kung ano'ng mangyayari sa akin.
Kung ano nga ba, hindi ko alam.

Sa ngayon, feeling ko, talunan ako.