Wednesday, November 4, 2015
Patuloy sa Pananaghoy...
Dinaig ng breakup ang hindi ko na pagpasok sa Unibersidad...
Sinasamantala ko ang maagang pagtulog ni Mama para maaga ko ring maipahayag ang aking pananaghoy.
Hindi ko matanggap ang ganitong kinahinatnan.
Ayaw kong marinig ng iba ang aking mga hikbi.
Ayaw kong marinig ang bawat pagsinga sa tuwing dadaloy ang mga luha.
Ayaw ko ng ganitong pakiramdam.
Handa akong ialay ang gabi sa bawat pagtangis.
Nalulungkot ako dahil hindi na muna ako papasok sa Unibersidad.
Nalulungkot ako dahil aminado akong doon ako masaya-- sa tuwing makikita ko ang paborito kong prof, ang mga naging kaklase ko, ang mga naging kaibigan ko, ang hirap ng pag-aaral, ang sulit na hirap sa pag-aaral. Bakit ngayon pa nangyari ang lahat ng ito? Bakit kung kailan kahuli-hulihan na?
Ayaw ko ng pakiramdam. Pakiramdam ko nawala sa akin ang isa sa mga bagay na nakapagpapasaya sa akin.
Masaya akong nag-aaral kahit mahirap, kahit minsan iniiyakan ko ang hirap ng pag-aaral at pagsabayin ito sa ibang bagay.
Kahit pagod ako, kahit naaantok ako, kahit halos ang gastos ko ay noong mga panahong nag-aaral ako, wala akong pakialam basta masaya ako, okay lang.
Oo, sabihin na nating ang kasiyahan ay nasa sa atin, pero hindi ba pwedeng ang kasiyahan ko rin ay nasa mga bagay na gustung-gusti kong gawin?
Sa Unibersidad lang ako nakakahanap ng katiwasayan, ng kalayaan, ng posibleng taong makakausap kahit minsan nakakainis dahil ang straightforward masyado.
Namimiss kong pumasok ng 5:30-8:30 p.m.
Bakit hindi ko natapos? Bakit ako nagkaganito? Bakit ngayon pa kung kailan huli at patapos na?
Pasensya na talaga; hindi ko talaga matanggap na hindi na ako pumapasok ngayong semestre sa Unibersidad.
Bakit ang daming naging problema ngayon?
Lahat ba ng ginawa ko mali? Bakit ba kasi pinabayaan ko ang sarili ko?
Bakit ba ang engot engot ko? Bakit ang bigat sa loob ng pangyayaring ito?
Akala ko, after ng last day of sembreak ko, okay na ako, hindi pa pala.
Gusto kong kausapin si Teach. Gusto ko lang lumayo at umiyak.
Gusto kong umiyak at sabihin ang mga nasa loob ko, at mayakap. Mayakap nang mahigpit. Mahigpit. Yung may pagmamahal at pang-unawa.
Kapag may problema sa bahay at trabaho, sa Unibersidad ko naipahahayag ang aking kasiyahan, kahit na mahirap.
Ngayon, pati ang Unibersidad, wala na sa akin ngayon...
Subscribe to:
Comments (Atom)