Kung may nakakakilala man sa akin sa blogspot na ito, nawa'y magkaroon sana kayo ng oras para mabasa (mapakinggan) ako sa post na ito.
Kung hindi man, hindi ko naman kailangan ng simpatiya. Maaari siguro eh tulong.
Maraming salamat sa oras na inilaan ninyo para basahin ito. Pasintabi kung dito na lang muna ako maghahayag ng saloobin.
Ilang beses na ako pumapalya. Ang bagal kong mag-isip, ang haba kong matulog, at pakiramdam ko hindi gumagana ang hormones ko.
Kahapon, ang ilang beses bago ang kahapon, nakakaramdam na ako ng pagkahiya-- hindi siguro pagkahiya-- kung hindi labis na pagkahiya. Nahihiya akong unti-unti kong nalalaman na hindi pala ako magaling. Nakakahiya dahil pakiwari ko, mali ako ng pinasukan. Nakakahiya dahil noong undergrad, hayskul, at elementary, ayos naman ako. Ngayong dapat mas mataas ang antas ng aking pagkatuto, parang mistulang nawawala ang ningning.
Kahapon pagkalabas ko sa isang silid, sa tatlong oras na iyon, iyon na yata ang sudulang alam ko at nararamdaman kong nawawalan ako ng pag-asa. Marahil ito rin yung isa mga pagkakataon na wala ring namang makakaintindi at makakarinig sa akin kapag sinabi kong ganoon ang nangyayari sa akin.
Umiyak na lang ako pagkalabas ko kahapon. Diring diri ako sa sarili ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko at pakiramdam ko, ayaw ko nang bumalik mula roon sa ginagawa ko. Pero alam ko sa sarili ko kapag may hindi ako kayang gawin o sudulang hindi ko kaya, hindi ko pa rin sinasabi. Itinatago ko pa rin iyon sa aking sarili. Kunwari, hindi ako nahihirapan. Kunwari, iisipin ko na lang kaya ko hanggang umabot sa puntong iiyakan ko na lang iyon at mukha akong ewan.
Kung hindi ko pa rin magiya ang sarili ko sa dapat kong kalagyan, tulungan mo/ninyo ako. Hindi ko rin mawari sa sarili ko bakit ako nagkakaganito. Hindi ako in love at hindi rin ako broken-hearted. At hindi naman din ako buntis na nagpalaglag sa probinsya kaya ako nagbakasyon roon. Hindi kaya siguro naguguluhan rin ako sa aking sarili sa puntong ito? O hindi kaya ilang beses na akong pumapalpak kaya hinahayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak?
Tulungan mo/ninyo ako.
Hindi ko na rin alam gagawin ko sa sarili ko.
Tuesday, April 22, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment