'di mo man maulinigan
sambit ng kasiyahan;
'di man natin nararamdaman
ang ating pakikipagtipan;
sa mga bagay na nangagdaan
na tayo'y nakipagsapalaran
(iyo'y mga saksi ng ating katatagan!)
Wednesday, February 18, 2009
Sunday, February 15, 2009
poof
nang ako'y may panaginip
sa mababaw kong idlip
bawat alaala'y nakahalukipkip
hindi maalis sa aking isip...
Hindi na natapos ang tulang ito simula nang maisulat o (mavandalize) ko ito sa aking dingding gamit ang liquid eraser pen. May dahilan nga talaga kung bakit hanggang dito na lamang ang komposisyon. Hanggang alaala na lamang ang lahat, wala na ang nararamdaman. Nga ba? Unleavened bread ika nga ni N.V.M. Gonzalez sa Bread of Salt (pero sa postcolonial thinking ito), ang bersyon ko naman ay iba. Hindi pa ako handa. Hindi pa nga yata ako handa.

Subscribe to:
Comments (Atom)