Monday, February 10, 2014

Olats

Patuloy kong ginigiba ang isang matibay na pundasyon ng buhay ko.
Ginugula-gulanit ko siya paunti-unti.
Sinasayang ko nga ba ang mga pagkakataon o sadyang matigas ang ulo ko?

Simula nang hindi na ako nakakuha nang mataas na marka at alam kong wala na akong tsansa na makakuha ng Latin Honors sa Unibersidad, maging ang pag-alis ni idol, nawalan na ako ng gana.

Hindi ko masabi-sabi sa mga taong nakapaligid sa akin.

Nakalulungkot isipin, pero totoo. Ang feeling ko sa sarili ko, olats ako.
Mas lalo ko pang nararamdaman nang lumiliban na ako sa grad school at hindi na ako nakikinig nang maayos.
Feeling ko, ang mahalaga naman ay makagradweyt.
Mas lalo pang nadagdagan nung nasabi ni Bossing na disappointed siya sa akin dahil sa pinaggagagawa ko.

Olats.

Olats ng feeling.

Alam ko, ang lahat ay pagkakamali ko. Hindi pwedeng iba ang nagkamali para sa akin.

Ngayon ko na naiintindihan yung pakiramdam nung kaibigan ko nung unti-unti nang hindi puma-para sa kanya ang mga kaganapan.
Nawalan siya ng gana.
Tinamad.

Kung anu-ano ang ginagawa.

Siguro, dos na naman ang makukuha ko. Siguro mas mababa pa roon, lalo na sa Stat.

Nalulungkot ako para sa sarili ko at sa kinahihinatnan ng mga ikinikilos ko.

Nalulungkot ako kasi ang rupok kong tao.

Nalulungkot ako kasi nakakahiya naman sa mga taong sumusuporta sa akin at ang laking mga kapalpakan ang ginagawa ko sa buhay.

Umiiyak na lang ako parati kay Mudra. Umiiyak rin siya para sa akin.
Napaka-panatag niya at lumanay kapag binibigyan niya ako ng mga payo nitong mga nakaraang araw.

Ngayon, 'di ko na naman magawa nang maayos ang trabaho ko, pati pag-aaral.
I'm crumbling into pieces.
I'm crumbling into pieces.

Bahala na kung ano'ng mangyayari sa akin.
Kung ano nga ba, hindi ko alam.

Sa ngayon, feeling ko, talunan ako.

No comments: