Tuesday, May 10, 2016
P3
Nung nakita ko yung post ng kakilala ko at nakita ko naroon ka sa larawan, nandito ka pa pala sa Pilipinas.
Hindi ako nagpaparamdam.
Nahihiya ako na DROPPED ko yung last semester.
Nahihiya akong magpakita sa iyo.
Nung nakita ko yung larawan oras lang ang nakararaan, sabi ko na mapalad si ___ na part ka pa ng panel niya at nadefend na niya ang kanyang Tesis sa Masterado. Tapos na siya. Pero hindi ako naghahabol na makatapos kaagad. Gusto kitang maging adviser, o kahit critique, o basta nandiyan ka.
Akala ko nakamove on na ako na wala ka, pero mas lalo akong nalungkot na anytime aalis ka na.
Nasasaktan ako na bakit kasi ako dapat mag-ulit. Dapat nasa ibang yugto na ako.
Sobra akong nasasaktan sa nangyari sa akin last semester. Hindi ko makalilimutan iyong pangyayaring iyon sa akin.
Hindi ko ito ginusto. Hindi talaga. Namatayan ako ng motibasyong mag-aral.
Sa totoo lang, nahihirapan ako. Nanghihinayang ako sa gastusin sa MA, pero wala akong nagawa.
Ngayon, mag-isa akong nakikibaka na ayusin ang buhay Masterado. Parang last woman standing na ako sa batch namin-- parang hindi pa babalik si D, mukhang matatapos na si R, at halatang tapos na si M.
Parang gusto ko na lang umalis pero gusto kong itaguyod sarili ko mula sa (masakit) na pagkakasablay.
Miss na kita. Sobra. Nung nakita ko yung larawan na naroon ka, umiyak talaga ako. Gusto kitang habulin at sabihin na sana kahit ako, ay maging advisee mo sa pinakahuling pagkakataon.
Ayaw ko na magkwento ng kahit ano tungkol sa nangyayari ngayon. Dinadaan ko na lang sa dasal na sana matapos na ito.
DAPAT matapos ko ito. Nagdarasal ako bawat araw at humuhingi ng balde baldeng pasensya, pang-unawa, at saya.
Naaalala kita. Ayaw ko lang tumangis sa harapan mo. Kung magkita man tayo, baka humagulgol na lang ako.
Ang sakit. Baka hindi ko lang matanggap na ganito ang nangyari sa akin na hindi ko maipaliwanag kay Mama kung papaano kadeteriorating ito para sa akin. Gusto kong umiyak, magwala, maghanap ng yayakap sa akin, kasi hindi pa ako nakamove on talaga.
Dinaig ko ang naglalamay at nagluluksa, pero ito talaga ang nararamdaman ko. Hinihila ko sarili ko na matapos ito. Hindi sa hindi ko gusto ang ginagawa ko pero hindi ko matanggap ang kinahinatnan ng pagbagsak ko. Yung hindi ko nais mangyari ay nangyari for the second time.
Alam kong paulit-ulit na ang sinasabi ko rito, pero sana may pagkakataon na bigla tayong magkitang muli, parang dati, nung nagbagsak ako ng huling baraha sa opisina ng Dekano.
Hayaan niyo po, kahit nag-iisa akong itinataguyod ito, magpapalakas ako ng loob para sa iyo. Tatapusin ko ito. Sana matapos ko ito.
Ipagdasal niyo po ako.
Miss ko na po kayo.
Subscribe to:
Comments (Atom)