Thursday, February 19, 2015

Sa paboritong prof ko...

Hi, Teach. Sobrang miss na kita. Pakiramdam ko, ang tagal ko nang wala sa Eduk. Hindi kita nasasabihan ng mga sentimiyento ko sa mga reflection paper. Sana 201 na lang uli para makapaghayag ako ng nararamdaman ko. May balak ako sa taong 2016, sana magkatotoo. Ipagdasal mo ako. Gusto ko munang ibaling ang sarili ko sa mga gusto kong mangyari. Gusto ko munang tumakas sa realidad. Nasasakal at nasusuka ako. Gusto ko na lang ring itapon na parang basura dahil basura na rin ang pakiramdam ko sa burukrasyang ito. Kakaiba ang pakiramdam na kailangan kong ipagtulakan ang sarili ko para mabuhay at magkaroon ng pagkain sa hapag-kainan ang mga nabubuhay na kasama ako. Ilang beses ko nang sinasabing "Ayaw ko na" pero hindi ako tumitigil. Marami ang nangangailangan. Siguro ganyan rin ang pakiramdam mo. Gusto mo na ring matupad ang pangarap mo kaso may mga bagay na hindi maintindihan at nangyayari. Nakakainis, minsan, di ba Teach? Gusto mo na lang rin na makamit ang mga nais mong makamit pero hindi kinakaya ng powers, o baka ayaw ng tadhana? Pero hindi ako naniniwala sa tadhana. Baka nga naman kasi hindi iyon ang tamang panahon na gawin ang mga bagay-bagay. Pero, Teach, demotivated na ako. Hindi ko sinasabing ayaw ko nang magturo. May mga disjunct talaga sa mga bagay-bagay na ginagawa sa mga bata. Alam ko naman ang kinalaman ng pagtuturo at assessment at hindi pwedeng may disjunct, hindi po ba? Nakakafrustrate kasi na mya mga bagay na ginagawa at hindi ginagawa o ineexercise ukol sa pagkatuto ng mga bata. Nakakafrustrate rin na walang rationale behind bakit kailangang irevise at iscrap lahat ng ginagawa namin? Nakakapagod sobra. Apektado na talaga studies ko. On the day itself ko na binabasa ang readings pero nag-eenjoy ako mag-aral. Gusto ko na rin ng karel (short for karelasyon) kasi super nalulungkot na ako, pero hindi dapat yun ang dahilan para magkaroon uli ng bagong boyfriend. Baka naman kasi feeling ko hindi ako successful dahil ilang taon na, hindi naman ako umusad, wala na rin akong relasyon, at parang napupunta na lang ako sa kawalan. Pakiramdam ko walang nangyayari sa akin. Hindi ako umuusad. Nalulungkot ako 'pag nagbabrowse ako sa Facebook kasi ano naman ang ilalagay/ ipopost ko? Isa akong loser? Walang nangyayari sa akin? Hindi ako successful? Ayokong sabihing ayaw ko na gawin ang lahat ng ito. Nanghihinayang ako sa tinagal na proseso, lahat ng pagkawasak ng ego at kung anik-anik. Hindi lang talaga kaya ng loob ko ang mga nangyayari. Burukrasya ito. Kalokohan ito. Hindi dapat nang-aapak ng ibang tao. Hindi dapat power tripping. Hindi dapat sadista at wala dapat masokista. Nakakalungkot, Teach. Damayan mo ako.