Kung may nakakakilala man sa akin sa blogspot na ito, nawa'y magkaroon sana kayo ng oras para mabasa (mapakinggan) ako sa post na ito.
Kung hindi man, hindi ko naman kailangan ng simpatiya. Maaari siguro eh tulong.
Maraming salamat sa oras na inilaan ninyo para basahin ito. Pasintabi kung dito na lang muna ako maghahayag ng saloobin.
Ilang beses na ako pumapalya. Ang bagal kong mag-isip, ang haba kong matulog, at pakiramdam ko hindi gumagana ang hormones ko.
Kahapon, ang ilang beses bago ang kahapon, nakakaramdam na ako ng pagkahiya-- hindi siguro pagkahiya-- kung hindi labis na pagkahiya. Nahihiya akong unti-unti kong nalalaman na hindi pala ako magaling. Nakakahiya dahil pakiwari ko, mali ako ng pinasukan. Nakakahiya dahil noong undergrad, hayskul, at elementary, ayos naman ako. Ngayong dapat mas mataas ang antas ng aking pagkatuto, parang mistulang nawawala ang ningning.
Kahapon pagkalabas ko sa isang silid, sa tatlong oras na iyon, iyon na yata ang sudulang alam ko at nararamdaman kong nawawalan ako ng pag-asa. Marahil ito rin yung isa mga pagkakataon na wala ring namang makakaintindi at makakarinig sa akin kapag sinabi kong ganoon ang nangyayari sa akin.
Umiyak na lang ako pagkalabas ko kahapon. Diring diri ako sa sarili ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko at pakiramdam ko, ayaw ko nang bumalik mula roon sa ginagawa ko. Pero alam ko sa sarili ko kapag may hindi ako kayang gawin o sudulang hindi ko kaya, hindi ko pa rin sinasabi. Itinatago ko pa rin iyon sa aking sarili. Kunwari, hindi ako nahihirapan. Kunwari, iisipin ko na lang kaya ko hanggang umabot sa puntong iiyakan ko na lang iyon at mukha akong ewan.
Kung hindi ko pa rin magiya ang sarili ko sa dapat kong kalagyan, tulungan mo/ninyo ako. Hindi ko rin mawari sa sarili ko bakit ako nagkakaganito. Hindi ako in love at hindi rin ako broken-hearted. At hindi naman din ako buntis na nagpalaglag sa probinsya kaya ako nagbakasyon roon. Hindi kaya siguro naguguluhan rin ako sa aking sarili sa puntong ito? O hindi kaya ilang beses na akong pumapalpak kaya hinahayaan ko na lang ang sarili kong bumagsak?
Tulungan mo/ninyo ako.
Hindi ko na rin alam gagawin ko sa sarili ko.
Tuesday, April 22, 2014
Friday, April 4, 2014
Kinakausap ko na naman ang sarili ko ngayon...
Tapos na ang una at ikalawang semestre. Pers taym, may summer term ako. Hindi na bago sa akin ang magkaroon ng summer term noon sa undergrad-- ngayon, feeling ko, parang hinihila ko ang sarili ko na pumasok at mairaos na ang dapat mairaos.
Hindi na naman bago sa akin ang pagpupuyat. Siguro, simula nang mapagod ako mula sa unang taon ko, bumawi ako ng tulog-- maraming tulog. Minsan, nagpupuyat rin, pero mas marami ang tulog. Ngayon na siguro ang panahon ng pag-aani-- aanihin ko na ang dami ng tulog na nakuha ko sa loob ng halos isang taon.
Nakakalungkot ang walang raket. Kapag ganitong panahon, masaya na naman ang bulsa. Ngayon, mukhang kailangang mairaos muna ang summer term para naman kahit papaano makausad-usad nang kaunti.
Natutuwa ako at nakakaraos naman ako sa pag-aaral. Pero minsan, napapahinto na lang ako at hinahanap ko ang kariktan ng buhay. Kung mababasa mo ang mga ideyang nakalahad bago ito, marahil, iniisip mo, ang nega naman ng blogger na ito. Wala nang ibang ginawa kung hindi ang magsabi ng nega rito. Negastar siguro siya.
Kung mayroon man akong ipinagpapasalamat sa puntong ito ay ang matunghayan ko ang aking sarili na nagluluwal ng mga kalipunan ng mga salita upang maihayag ang mga tunay kong nararamdaman. Masyado nang bukas ang mundo sa kinagagalawan ko at ang bawat kilos ay mistulang isang galaw mo lamang ay may nagmamatiyag na sa iyo. Nakakatakot.
Nang maramdaman ko ang aking sarili sa pagitan ng tulog at gising, mas alam kong gising ang diwa ko ng mga panahon na iyon (kanina). Bagama't pagod ang nananaig kanina matapos ang mahabang kwentuhan mula sa mga kasamahan sa trabaho at mga dati nilang kasamahan ngunit kaibigan nila, napagtanto ko na mas payak ang mundong ginagalawan ng mga nasa labas na. Narinig ko rin sa isang kasamahan kanina kung gaano na lang niya nilulunok ang kanyang dignidad para lamang sa trabahong aming pinagkukunan ng kabuhayan. Nakakapanlumo na may mga magulang na mukhang hindi maganda ang trato at pagtingin sa mga guro. Hindi mo iisipin na sa isang institusyon na dapat laganap at ganap ang mga birtud at tamang asal eh mistulang hindi isang komunidad na may nirerespeto.
Nakalulungkot lamang na oo nga, nasa tamang petsa ibinibigay ang sahod mo, pero hindi mapapantayan ang dignidad ng isang guro. Hindi mo tuloy alam minsan kung may mukha ka pang ihaharap o wala na. Masakit isipin na ikaw, bilang isang ehemplo ng pagbabago sa mga kabataan ay katumbas lamang ng mga maralita sa ating lipunan. Ano ba talaga ang nangyayari sa pagtingin ng ilan sa atin sa mga kaguruan? Hindi naman siguro dapat ipagkibit-balikat ng mga institusyon kung ano man ang nangyayari sa kanilang mga guro. Masaklap lang kung hindi kayang protektahan at ipagtanggol ang nasabing guro.
Hindi ko alam. Minsan, may mga bagay na dapat para sa atin nang mabalik naman ang tamang pagtingin sa mga guro.
Kahit hindi ko naranasan at sana'y hindi, sana hindi mangyari ang ganun sa ibang mga guro. Bakit ba kasi may mga tao na kung makapang-asta sa harap ng guro eh mas angat sila kaysa sa mga nagtuturo?
Marami akong mga teorya, pero siguro, iyong pananaw ko na lamang muna kanina dahil sumagi lang naman ito sa aking isipan ngayon at marami pa akong iisipin sa araw na ito.
Hanggang sa uulitin!

Subscribe to:
Comments (Atom)