Wednesday, September 30, 2015
Nananaghoy...
Nitong mga nakaraang buwan, kung kani-kanino ako nakikipag-usap-- humihingi ng habag, ng pasensya, ng pang-unawa, ng saya, ng yakap, ng mga pangaral...
Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. Ilang linggo at buwan na akong tuliro, hindi makatulog, lutang, at pinipilit na baguhin ang takbo ng aking pag-iisip at nararamdaman. Pilit kong ibinabangon ang aking sarili para sa ibang tao.
Isa sa pinakamasakit na naranasan ko ang hindi matanggap sa Fulbright ILEP para sa taong 2016. Marahil nga hindi para sa akin iyon. Pilit kong iniisip na may mas maganda pang oportunidad para sa akin. Ikalawa, ikatlo, at magpasahanggang ngayon ay ang kaguluhang nangyayari sa kapaligiran.
Hindi ko lubos maisip na hindi ako makakasama sa programang iyon para lamang sa malaking sakripisyo na alam ko para sa mas ikabubuti ng lahat. Oo, kahit na alam kong hindi ako nauunawaan sa lahat ng aking mga pagkakabagabag. Kahit na minsan wala namang pakialam ang mga tao sa akin. Ang kailangan nila ay marunong akong magtrabaho. Utak lang naman ang kailangan nila sa akin...
Madaya lang minsan kung iisipin na nariyan ka para sa isang tao na malungkot at kailangan ng karamay, ng makakausap, pero bakit ako naman ang nasa sitwasyon gusto ko nang magpatiwakal ay hindi pa rin dumarating 'yong taong 'yon para damayan man lang ako?
Bakit mistulang wala ka ngayong kailangan ko ng taong magpapakalma sa akin sa panahon ng aking pagkakabagabag? Bakit wala akong naririnig mula sa iyo? Bakit ganoon? Alam kong bukod sa mangilan-ngilan, kahit hindi kita magulang, maiintindihan mo ako. Kailangan kita; bakit naman ngayon ay wala ka?
Sana hindi pa huli ang lahat. Ayaw ko nang magtrabaho sa susunod na taon. Gusto ko nang umalis sa kinatitirikan ko ngayon at huwag nang bumalik. Kahit ang sarili kong pamilya ay hindi man lang ako madamayan. Kahit pumirme na lang ako sa kalye ay pipiliin ko 'wag lang ako bumalik sa ganitong kinalalagyan. Bakit ako magsasakripisyo kung ang habol lang naman sa akin ay panustos sa kanilang pangangailangan? Hindi man lang nila ako makumusta. Hindi mo man lang ako makumusta.
Baka sa susunod na balakin mong magkita, wala na ako. Hindi na tayo magkikita muli. Ayaw ko na ng gulo. Ayaw ko ang nangyayari sa akin ngayon.
Ano kaya ang mangyayari kapag wala na ako sa inyong mga paningin? Iiyak ba kayo? Sisisihin ninyo ba ang inyong mga sarili dahil huli na ang lahat? Na huli na para isalba ang nangungulilang tao? Na sana ay may nagawa kayo para hindi ko gagawin ang gawaing matagal nang nakapunla sa aking isipan?
Marahil hindi na tayo magkikita, at ipinahahayag ko ang aking pagkadismaya 'pagkat hindi ka naging karamay sa mga panahong matindi ang aking pananaghoy.
Salamat sa lahat lahat.
Sa lahat ng umunawa sa akin, maraming salamat.
Sa iyo, rin, kung sino ka man.
Pasensya na. Hindi ko na alam ang gagawin ko...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment