Friday, January 23, 2009

Lagok

Sa bawat sandali
humahagod at kumikiliti
ang inuming
sa lungkot nagpapawi.

Pusong walang iniisip
Pag-ibig na 'di nakahalukipkip
Tama na aking giit
Taguyod ko ang sayang pilit.

Hagod sa lalamunan
at init ng katawan
Hanggang dito na lamang
tapos na ang huntahan.

No comments: